I Heart LB
(published by PDI on July 12, 2008) by Nielsen Oliva
"But it’s always you I run home to, take me back, take me home away from here back to where I am free" -"Los Baños" by Sugarfree
Dalawang oras mula sa usok-infested streets of Metro Manila matatagpuan ang aking personal heaven dito sa mundo. Matanaw ko pa lang ang
Nasa LB ang org ko, pero hindi naman kami close ng mga orgmates, actually parang iwas pa nga sila sa kin e. Nandito sa Metro
Bakit kaya ako napaibig sa Los Baños?
Suspect #1: Yung environment.
Kasi sa umaga, ang sarap langhapin ng hangin. Ang sarap panligo nung mainit na tubig na lumalabas sa gripo. Lalo na pag may matinding hangover, ang sarap pantanggal ng sakit ng ulo. Lalabas ka ng bahay, maririnig mo yung iba't-ibang huni ng mga ibon. Dadampi sa mukha mo yung lamig ng simoy ng hangin, at didikit sa sapatos mo yung damo na nabasa sa hamog.
Hindi ko kayang lakarin ang
Suspect #2: Yung pagkain.
Wala namang pinagkaiba yung pagkain sa LB kumpara sa
Kahit sinong taga-LB ang tanungin ninyo, sasabihin nya na mas masarap ang Lucky Me Pancit Canton na niluto sa LB kesa sa niluto sa kung saang lugar.
Suspect #3: Yung inuman.
Kung magtatayo ka ng business sa LB na ayaw mong malugi, magtayo ka ng liquor shop o kaya ng affordable na bar. Dahil may kasabihan nga na "hindi ka taga-LB kung hindi ka marunong uminom". Madaming resto-bar sa LB, pero nothing beats the house parties. Bago pa sumikat yung gin-pomelo sa
Suspect #4 Yung mga tao.
Ewan ko lang ngayon pero nung nandoon pa ako sa LB, walang social climber. Walang pa-sosyal dun. Yung mga galing sa mga mayayayamang pamilya (coñio in layman's terms), kailangang mag-fit in sa masa. Hindi importante ang porma. Kahit naka-pambahay na damit at tsinelas ka pag papasok, tanggap ka na ng lipunan. Kaya yung mga kilala ko na taga-UP Diliman dati, hindi ma-gets yung mga kwento ko kung gaano kami ka-barok sa UPLB. "How baboy naman the pig", ika nga nila.
Walang mapagkunwari sa LB. Siguro dahil nga small town lang to, lahat magkakakilala. Kung may pino-protektahan kang image, eventually, lahat ng baho mo lalabas din. Kaya mas magandang ilabas mo na yung totoong ikaw kasi mas mapapasama kung mabubuko ka lang.
Suspect #5 Yung memories.
Ahhh. The memories. Siguro sa lahat ng suspect ko, eto ang parang "Mastermind". Pag nakasakay ako ng jeep sa LB, o kaya kahit naglalakad lang, hindi ko naiiwasang tumingin sa isang bahay, sa isang bar, o sa isang kainan, at sabihin sa sarili ang mga bagay na tulad ng "uy, diyan yung first kiss ko sa 3rd girlfriend ko", o kaya "diyan sa bangketang yan natulog yung brod ko nung nalasing", o kaya "diyan kami pinakitaan ng multo". Halos lahat ng lugar sa LB, may naiwan akong memory doon. May mga napalitang mga establishments, pero may itatayong bago na maaring pag-iwanan ulit ng alaala. Kung tutuusin, ang LB ay isang buhay na diary para sa kin. Bawat lugar, isang pahina. Bawat araw, isang linya.
Madaming hindi nakakaintindi sa akin kung bakit pabalik-balik ako sa Los Baños, lalo na yung mga batchmates ko noong college. Lagi ko nang naririnig yung mga phrases na "Grow up", "Move on with your life", "Leave the past behind", "Wala ka na sa stage ng buhay mo na college ka pa din". Masakit marinig, pero may point nga sila.
Kaya minsan, tinanong ko yung housemate ko na umuuwi sa LB every weekend. Sabi ko "bakit kaya ako bumabalik sa LB eh isinusuka na ako ng mga tao doon, wala naman akong binabalikan, wala naman akong napapala?"
At hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi nya.
"Tinatanong pa ba yan? HOME. Home is where the heart is."
No comments:
Post a Comment