Una kitang nakita sa library. No wonder regular na third year law student ka. Sa library ka na naka-tira eh. Ikaw na ata ang nagbubukas at nagsasara ng lib. Kung dun ka nakatira, pwes, simula midterms, live-in na tayo dun.
Ang gwapo mo kaya lang kulang ka sa height. Hindi ka kasi naglulunch kaya hindi ka na tumangkad. Tumayo ka naman at pumunta sa canteen saglit. O gusto mo, dalhan kita ng pagkain? Kaya ko namang itakas yun eh. Pag nahuli ako, kaya ko rin namang bolahin yung librarian para payagan na ipasok ko yung hotshots sa library.
Lumipas na ang midterms at kahit walang exam, sa library na ako nag-aaral. Ikaw lang ang lalaking naging magandang impluwensya sa pag-aaral ko. Alam mo bang ikaw lang ang dahilan bakit ako natutong maglibrary? Akala ko noon pag more than two hours akong nagstay sa library, mamamatay ako. Ang nakakatawa pa, pag wala ka dun, hindi ako nakakapag-aral. Hinahanap lang kita, mababali na ata ang leeg ko sa kalilingon kung saan ka nakaupo. Pag nasa library ka naman, okay na ako. Malakas ang loob kong mag-aral kasi alam kong malapit ka lang. Para bang may sense of security pag nandun ka. Kakaiba ka alam mo ba yun? Kaya lang ang torpe mo. Gwapo ka nga (kahit kapos sa height), sobrang talino, maganda boses, magaling sa recitations, masipag, mayaman... bakit ka torpe?
Alam mo na ngang crush na crush kita. Hello? Ilang beses mo na ba akong nahuhuling nakatingin sa iyo? Feeling ko nga naikukwento mo ako sa best friend mong bakulaw kasi pati siya tumitingin na rin sa akin. Nai-imagine ko na ang sinasabi mo: "Pare, yung irreg na second year na yun, may crush ata sa kin." Alam mo bang nakakahiyang malaman mo na irreg ako kasi pag tinabi ako sa iyo, walang kwenta na naretain ako sa law school, walang kwenta na hindi ako nabokya sa recitation... kapag nakikita kita, nanliliit ako parang virus na sobrang bobo. Ang taas kasi ng tingin ko sa iyo (kahit magka-height lang tayo... hehehe).
Nahuhuli na rin kitang nakatitig sa akin. Yung tipong nakakatakot na titig kasi hindi ko alam kung gusto mo rin ako o kung nagfi-feeling ka lang kasi bukong buko mo na ako. Nung isang araw lang, nakasalubong kita sa may hagdan. Papunta akong library kasi may naiwan kami doon. Ikaw naman, pupunta ka na sa classroom mo kasi may exam ka pa sa CivPro. Nagkatitigan nanaman tayo for about five seconds. Parang tumigil ang buong mundo ko. Nagulat lang ako at nung medyo napagtanto natin na late ka na sa exam, bumaba ka na at pumasok na kami ng classmate ko sa lib. Tulala ako for fifteen whole minutes, sabi nung classmate ko. "Hoy, magreact ka naman!" sabi niya sa akin. Ang reaction ko lang, "Ha?" Ganun ang effect mo sa akin. Maganda, nakakakilig.
Tumigil na akong maniwala sa soulmate, at MFEO... pero tuwing nakikita kita napapaisip ako... maybe you're my "match," sabi nga sa Ever After. Kasi tuwing naiisip ko noon, pag nakita ko ang soulmate ko, titigil ang mundo kapag nagkatinginan kami sa mata. Tumigil nga ang mundo ko nang makita kita.
Patapos na ang sem. Hindi ko alam kung pababalikin pa ako sa law school next sem dahil baka ibagsak ko yung subject na tine-take 2 ko. School policy: you fail twice, you are the weakest link. Goodbye. Hindi man lang kita nakausap kahit yung excuse me lang.
Ang legal term sa live-in is a common law marriage. It either ends up in a legal marriage or no marriage at all. Saan kaya magtatapos yung common-law relationship natin sa library? Makapunta na ngang law library nang malaman ko. Sana nandun ka para makapag-aral ako. Sige ka, pag bumagsak ako, kasalanan mo. Wala ka kasi doon.
#####
Author's Note:I am fully aware na pag bumagsak ako, hindi niya talaga kasalanan pero kelangan ko lang siya mabigyan ng character flaw to prove he's only human. I have not found one yet kaya I created one instead. When I find one, I'll be the first to let you know.
Update:
I didn't fail that subject. Come to think of it, I never failed a subject in all the time we were at the library together.
The last time I saw him was half a year ago. The affair lasted for three years. He has moved out since and I have held on, waiting for the moment when I'm ready to let go.
No comments:
Post a Comment